Mabilis na pagpo-proseso sa immigration counter sa NAIA, tiniyak

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Bureau of Immigration ang mabilis na pagproseso sa mga departing at arrival passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ito ni BI Commissioner Norman Tansingco kasunod ng isang post sa tweeter na mahabang pila   sa immigration counter na ikinairita ng mga pasahero sa paliparan.

Sa post, inireklamo ng isang netizen ang mahabang pila, Lunes ng umaga sa immigration counter matapos lumapag ang kanyang flight sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Tansingco, ang mahabang pila ay ­inaasahan dahil duma­ting noong araw na ‘yon ang 8 flight lulan ang halos 1,800 kabuuang pasahero sa parehong oras.

Nilinaw ni Tansingco na sa kabila ng mahabang pila ay mabilis na naproseso ang mga pasahero sa loob ng 40 minuto.

Kabilang sa mga flight na ito ay ang mga eroplanong nagdadala ng maraming pasahero na nagmumula sa Vancouver, San Francisco, at Los Angeles.

Dagdag pa ng opisyal lahat ng mga counters at e-gates na nakalaan sa mga Filipino passports ay parehong guma­gana sa NAIA terminal 1.

Show comments