^

Metro

Marikina fire: 4 sugatan, 40 bahay natupok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Marikina fire: 4 sugatan, 40 bahay natupok
Bureau of Fire Protection (BFP) firefighters douse the first alarm fire that broke 28 houses along Angel Santos Street in Barangay Tumana, Marikina on Sunday.
Jesse Bustos/

MANILA, Philippines — Apat katao ang bahagyang nasugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga biktima na ang isa ay isang fire volunteer na nagtamo ng sugat sa kamay at tatlong iba pa na pawang nagtamo naman ng minor injuries.

Batay sa ulat ng Marikina Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-7:47 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang tahanang matatagpuan sa A. Santos St., sa Barangay Tumana.

Mabilis umanong kumalat ang sunog sa mga katabing tahanan na mga gawa lamang sa mga light materials.

Dakong alas-8:46 ng umaga naman nang maideklarang under control ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-9:00 ng umaga.

Ayon sa Marikina BFP, tinatayang aabot sa 60 hanggang 80 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na tupukin ng apoy ang nasa 40 tahanan sa lugar.

Samantala, personal namang nagtungo sa lugar si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro upang alamin ang kalagayan ng mga residente.

Nangako ang alkalde na pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng pamahalaang lungsod ang mga residente at tutulungan silang maitayong muli ang kanilang mga tahanan.

Masusi naman nang inaalam, ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with