MANILA, Philippines — Umabot sa 22 aksidente ang naitala sa mga lansangan sa Kamaynilaan kahapon.
Ito ang nabatid sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na karamihan ay kinasasangkutan ng motorsiklo.
Sa ulat ng MMDA sa kanilang Facebook page, naganap ang mga aksidente mula alas-6 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Sa EDSA, sumemplang ang isang motorsiklo malapit sa MRT North Avenue, nagkabungguan naman ang isang motorsiklo at kotse sa may EDSA Cabrera Victory Liner dakong alas-6:30 ng umaga, sumunod na nagkabungguan ang isa pang motorsiklo at kotse dakong alas-9:30 ng umaga sa may EDSA northbound-East Avenue, isang van at SUV ang nagkabanggaan sa may EDSA Kalayaan southbound, isang motorsiklo ang sumemplang sa may EDSA Buendia northbound, at isang motorsiklo rin ang sumemplang sa may EDSA Ortigas southbound.
Sa Marcos Highway, nagkaroon ng multiple collission ng isang bus at dalawang SUVs sa may Dela Paz easthbound, isang SUV at motorsiklo ang nagkasagian sa may F. Mariano, at isang jeep at motorsiklo ang magkabungguan sa may Dela Paz eastbound.
Nagkabanggaan ang isang kotse at motorsiklo sa may Quirino Plaza Dilao southbound, isang bisikleta at motorsiklo rin ang nagkasagian sa may Quezon Avenue-Agham Road, isang pedestrian ang nabundol ng isang motorsiklo sa may C5 Katipunan Avenue malapit sa Mirriam College.
Nagkasagian ang isang kotse at SUV sa may North Avenue-Mindanao Avenue dakong alas-9:23 ng umaga na sinundan ang banggaan din ng isang bus at isang AUV dakong alas-10 ng umaga sa parehong lugar.
Nakapagtala rin ng mga aksidente sa may C5 Greenmeadows, C5 SM Aura, C5 Lanua intersection, Quezon Avenue-Araneta Avenue, C5 Bagong Ilog flyover, at C5 Market Market.
Tiniyak naman ng MMDA na agad na nasaklolohan ang mga biktima at naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.