Ilang lugar sa Quezon City mawawalan ng tubig

Ayon sa Maynilad, ang isasagawang maintenance work sa naturang mga lugar  ang ugat ng pagkawala ng suplay ng tubig.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Makakaranas nang sunud-sunod na araw na pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Quezon City mula Peb. 19, araw ng Lunes hanggang Peb. 23, sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Ayon sa West Zone Concessionaire Maynilad Water, ang mga apektado ng water interruption ay ang barangay NS Amoranto, Maharlika at Paang Bundok, Quezon City sa may kahabaan ng A. Bonifacio kanto ng Magnas at Barangay Capri, Quezon City sa may kahabaan ng Banahaw-Gen. Luis gayundin ang Barangay Balong Bato and Baesa, Quezon City sa kahabaan ng Baesa Road kanto ng Quirino Highway, Barangay Nova Proper at Nagkaisang Nayon, Quezon City sa may kahabaan ng Gen. Luis-Villa Nova, Brgy. Maharlika at N. S. Amoranto, sa may kahabaan ng Angelo kanto ng Scout Alcaraz sa  lungsod.

Ayon sa Maynilad, ang isasagawang maintenance work sa naturang mga lugar  ang ugat ng pagkawala ng suplay ng tubig.

Ipinayo pa ng ­Maynilad na oras na bumalik ang suplay ng tubig sa kanilang lugar ay hayaan munang dumaloy ang tubig ng ilang segundo bago gamitin.

Show comments