DOLE Integrated Livelihood Program- Kabuhayan ipinamahagi sa QCitizen

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa matinding epekto ng pagtaas ng antas ng pamumuhay sa lungsod, pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at District 2 Councilor Mikey Belmonte sa pakikipagtulungan ni Senator Loren Legarda at DOLE QC Field Office sa pamamagitan ni Director Martin Jequinto ang pamamahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) - Kabuhayan sa Amoranto Complex, Diliman, Quezon City.
May 1,400 QCitizen beneficiaries ang tumanggap ng livelihood program, kung saan 1,100 dito ay nabigyan ng rice pangkabuhayan packages, habang ang 300 naman ang tumanggap ng sewing machines.
Ayon nga kay Councilor Mikey, ito ay nagpapalakas sa pagtutulungan ng QC Government kasama si Sen. Loren at nakikinita ng DOLE na kung ibubuhos ang kapital at makinarya, higit pang mapapalakas at mapalalago ng mga benepisyaryo ang kanilang kita.
Magreresulta umano ito , ayon pa sa konsehal sa pagtiyak na magkakaroon ang mga benepisyaryo ng panggastos para sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan, edukasyon at disenteng pabahay, na malaunan ay magdudulot ng pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho at sa pangkalahatan ay magkakaroon sila ng self-sustainability sa pamamagitan ng paglago ng kani-kanilang negosyo.
- Latest