^

Metro

Mahigit 1,400 pulis, ikakalat sa Chinese New Year

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mahigit 1,400 pulis, ikakalat sa Chinese New Year
Dancers from the Baguio Chinese community perform the dragon dance at the city hall grounds during the launch of festivities for the Chinese New Year in Baguio City on February 5, 2024.
Andy Zapata/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Aabot sa 1,457 mga pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Sabado.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., layon nitong matiyak ang seguridad ng Filipino-Chinese Community na sasalubungin ang Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon.

Aniya, partikular na tututukan ang Chinatown na nasa Binondo, Maynila.

Nabatid na maliban sa Lunar New Year ay ipagdiriwang din ng Filipino-Chinese Community ang ika-430 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang komunidad sa labas ng mainland China.

Giit ng PNP, naka-monitor sila sa posibleng mga krimen na lumaganap sa gitna ng nasabing pagdiriwang.

Partikular na tinukoy ni Acorda ang snatching at pandurukot sa gitna ng maraming tao.

Dagdag ni Acorda, nagbigay na siya ng kautusan sa lahat ng kanyang mga Chief of Police upang masi­guro ang kaligtasan ng  publiko at Filipino Chinese Community.

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with