‘Love scams’ darami ngayong Pebrero, publiko pinag-iingat ng NBI

Sa isang radio interview, sinabi ni NBI-Cybercrime Division exe­cutive officer Raymond Panotes na kailangan maging maingat at huwag agad-agad ma­ging mapaniwala ang sinuman sa mga online relationaship, lalo na nga’t hindi pa naman nila ito personal na nakakasalamuha.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko na mag-ingat sa talamak na ‘love scams’ na mas inaasahang dadami ngayong Pebrero sa nalalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Sa isang radio interview, sinabi ni NBI-Cybercrime Division exe­cutive officer Raymond Panotes na kailangan maging maingat at huwag agad-agad ma­ging mapaniwala ang sinuman sa mga online relationaship, lalo na nga’t hindi pa naman nila ito personal na nakakasalamuha.

Dapat umano ang ibayong pag-iingat bago sumangkot sa onine relationship, at lalo na nga at may sangkot o humihingi na ng pera na idinadahilan ay kung anu-ano umanong pangangailangan.

Binanggit pa ni Pa­notes, ang ilang modus operandi ng mga scammer, kabilang dito ang pagkalap ng kontak sa social media, kasunod nito ang romantikong kumonek sa kanilang biktima sa pamamagitan ng chat, kasunod na nito ang paghihingi ng pera.

Idinagdag pa nito na ang pagdami ng love scams ay hindi lamang nangyayari tuwing Pebrero, kundi maging sa holiday season tulad ng Christmas season,  kung saan ilan ang nakakaranas ng kalungkutan.

Noon lamang Enero 31, inilunsad ng Cybercrime Investigation and Coordinating Cen­ter (CICC) ang #UnmatchPH campaign bago pa man sumapit ang Valentine’s Day para magbigay babala sa mga Pinoy netizens patungkol sa lumalaganap na love scam.

Show comments