MANILA, Philippines — Magkakaroon na naman ng big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa oil players, aabutin ng mula 75 centavos hanggang 95 centavos ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina, habang nasa P1.50 hanggang P1.70 naman per liter ang taas-presyo ng diesel at P1.05 hanggang P1.15 per liter naman ang taas-presyo sa kerosene.
Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng drone attacks at nangyaring sunog sa oil facilities sa Russia dahilan para maapektuhan ang supply lines at logistics.
Isa rin umano sa dahilan ng taas-presyo ng petrolyo ang umano’y pag-extend ng OPEC sa production cut ng 2.2 milyong bariles kada araw hanggang sa unang kuarter ng 2024.
Ang bagong oil price hike sa darating na araw ng Martes ay ika-limang sunod na linggo nang taas-presyo ng petrolyo.