^

Metro

Bigtime oil price hike pa, lalarga sa sunod na linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bigtime oil price hike pa, lalarga sa sunod na linggo
This picture shows pumps in a gasoline station.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magkakaroon na naman ng big-time oil price hike sa susunod na linggo.

Ayon sa oil players, aabutin ng mula 75 centavos hanggang 95 centavos ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina, habang  nasa P1.50 hanggang P1.70 naman per liter ang taas-presyo ng diesel at P1.05 hanggang P1.15 per liter naman ang taas-presyo sa kerosene.

Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng drone attacks at nangyaring sunog sa  oil facilities sa Russia dahilan para maapektuhan ang  supply lines at logistics.

Isa rin umano sa dahilan ng taas-presyo ng petrolyo ang umano’y pag-extend  ng OPEC sa production cut ng 2.2 milyong bariles kada araw hanggang sa unang kuarter ng 2024.

Ang bagong oil price hike sa darating na araw ng Martes ay ika-limang sunod na linggo nang taas-presyo ng petrolyo.

OPEC

RUSSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with