Quezon City LGU at SSS kapit-bisig sa pagkakaloob ng social security sa contractual at job order employees
MANILA, Philippines — Magkatuwang ang Quezon City Local Government at Social Security System (SSS) para mabigyan ng sapat na social security coverage ang mga job order at mga contract of service employees sa lungsod.
Ito ay makaraang lumagda sina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at QC Mayor Joy Belmonte sa isang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program para dito.
Sa ilalim ng kasunduan, magiging miyembro na ng SSS ang mga job order at contractual employees ng pamahalaang lungsod ng QC.
Katumbas ito ng pagiging qualified na rin ng QC employees sa mga benepisyo at loan programs ng SSS.
Mas magiging madali na rin ang paghuhulog sa SSS ng naturang mga empleyado dahil hindi na kailangan pang pumunta sa SSS payment centers at magiging regular na ang remittance nito ng pamahalaang lungsod.
Nagpasalamat naman si Mayor Belmonte sa SSS dahil mas inilapit nito ang kanilang serbisyo sa mahigit 12,000 JO employees ng pamahalaang lungsod.
- Latest