MANILA, Philippines — Muling nakaamba ang bigtime oil price hike sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng oil players posibleng mula P1.95 hanggang P2.10 ang itaas sa kada litro ng gasolina .
Aabutin naman sa 65 centavos hanggang 85 centavos ang itataas sa kada litro ng diesel at nasa 20 cents naman hanggang 30 centavos ang itataas sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng epekto ng 4 day trading sa merkado at bumabang US crude oil stock sa panahon na mataas ang demand.
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.