MANILA, Philippines — Makikinabang ang may 704,260 residente ng Mandaluyong oras na matapos na ang West Sewer Network Package 1 sa naturang lungsod.
Ayon sa pamunuan ng Manila Water, ang naturang pasilidad ay nasa 64.49% complete.
Ang sewer network project na ito na pinondohan ng P4.2 billion na matatagpuan sa Barangay Hulo, Mandaluyong City na magiging bahagi ng 51-kilometer sewer network na tinawag na Mandaluyong West-San Juan South-Quezon City South Sewer Project.
Ang pasilidad ay may 60-million-liter-per-day (MLD) capacity sewer treatment plant (na expandable hanggang 120 MLD) kasama ang 1 major pump station, 13 lift stations, 276 interceptor boxes, at isang 16-channel interceptor.
Taong 2037 ay inaasahang matapos ang naturang sewer network.
“Manila Water is ramping up its sewerage and sanitation services to reach more customers as part of its Service Improvement Plan. The company is investing heavily in wastewater infrastructure to contribute to better community health and promote environmental sustainability,” pahayag ni Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla.