^

Metro

Pista ng Sto. Niño de Tondo dinagsa, naging mapayapa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pista ng Sto. Niño de Tondo dinagsa, naging mapayapa
Daan-daang deboto ang sumayaw habang hawak ang iba’t ibang imahe ng Sto. Niño bilang partisipasyon sa taunang prosisyon ng Lakbayaw Festival sa selebrasyon ng Feast of the Sto. Niño de Tondo sa may Ilaya Street at Recto Avenue sa Maynila noong Enero 20, 2024.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naging mapayapa ang pagdaraos ng pista ng Santo Niño de Tondo sa Maynila kahapon, na dinagsa ng libu-libong deboto.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw pa lamang ay dumagsa na ang mga deboto ng Santo Niño sa Tondo Church upang dumalo sa banal na Misa at Maringal na Prusisyon.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw nang umarangkada ang prusisyon, na nilahukan ng iba’t ibang karosa ng mga Santo Niño at libu-libong deboto na may bitbit ding mga imahe ng Santo Niño de Tondo.

Nagkaroon din ng mga banal na misa na idinaos kada oras para sa Santo Niño de Tondo. Sinimulan ang pagdaraos ng misa simula alas-12:00 ng ha­tinggabi hanggang alas-11:00 ng gabi nitong Linggo.

MAYNILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with