Vlogger na si Toni Fowler, ipinaaaresto ng korte sa cybercrime
Dahil sa malaswang music video
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court Branch 108 laban sa vlogger at content creator na si Toni Fowler kaugnay sa kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Ang kautusang arestuhin ang vlogger ay kaugnay sa isinampang kaso ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) noong Setyembre 27, 2023 dahil sa pagpapalabas ng music video na may halong kalaswaan.
Inirekomenda ng korte ang ?120,000 piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Kabilang sa complainant ni Fowler na naghain ng reklamo sa Pasay City Prosecutor’s Office sina Atty. Leo Olarte, President ng KSMBPI; Atty. Mark Tolentino; at Atty. John Castrisciones, KSMBPI Director.
Iginiit sa reklamo na may mga kabastusang ginawa sa music video na kumakanta habang nagpe-perform ng kalaswaan at ang bahagi rin na nagpapakita ng maseselang parte ng katawan ng lalaki.
Ayon sa grupo, kahit pa may disclaimer ito na “for adults only” marami pa ring kabataan ang maaaring makapanood ng music video ni Fowler.
Samantala, dakong alas-4:30 ng hapon ng Biyernes ay agad nang naglagak ng cash bond na P120,000.00 si Fowler sa sala ni Honorable Presiding JudgeAlbert Cansino, ng Pasay City RTC Branch 108 .
- Latest