GPD consultation sa Ospital ng Makati para sa Embo barangays, binuksan

In a Facebook post, the Makati City government announced yesterday that the Ospital ng Makati would offer free consultations to outpatients from the “embo” barangays.
Ospital Ng Makati Facebook Official Page

MANILA, Philippines — Binuksan na ni Makati Mayor Abby Binay ang out-patient department (OPD) consultation ng Ospital ng Makati (OsMak) para sa mga residente ng 10 EMBO barangays.

Para sa libreng konsultasyon, mag-register lamang sa www.econsult.osmak.gov.ph na bukas si­mula alas-7:00 - 10:00 ng umaga, at alas-12:00-2:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Matapos ito ay hihintayin na lamang ang tawag mula sa OsMak para sa confirmed na araw at oras nang inyong face-to-face consultation.

Samantala, libre pa rin ang laboratory at diagnostic tests para sa mga senior citizen na may valid senior card.

Show comments