MANILA, Philippines — Nasa 13,000 pares ng sapatos ang nakahandang ipamigay ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan para sa kanilang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Inanunsyo at ipinakita kahapon ni Mayor Francis Zamora ang disensyo ng rubber shoes na isang low cut at may kulay na puti at pula naipamimigay sa mga mag-aaral sa darating na buwan ng Abril.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagkuha ng sizes ng paa ng mga mag-aaral sa elementarya at high school sa siyudad para matiyak na tama ang sukat ng mapupuntang sapatos sa bawat estudyante.
“Excited na akong makitang suot nyo ang mga ito. Ano sa tingin niyo ang magandang ipangalan natin dito?” tanong ni Zamora.
Ilan sa mga siyudad na unang namahagi ng sariling disenyo ng sapatos sa mga nakaraang taon ang Makati City, Taguig City, Caloocan City, Marikina City at Mandaluyong City.