MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 46 fireworks related injuries ang Southern Police District sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa mga nasugatan, isa ang nangailangan ng espesyal na pangangalaga kaya sa Philippine General Hospital (PGH) isinugod; lima ang na-admit sa Las Piñas General Hospital, isa sa Premier Hospital, dalawa sa Ospital ng Parañaque II, walo sa Ospital ng Parañaque I, 27 sa Pasay City General Hospital at dalawa sa Ospital ng Muntinlupa.
Ang mga pinsala ay resulta ng paggamit ng mga paputok, kabilang ang 5-star, kwitis, Judas’ Belt, Small Whistle Bomb, Goodbye Philippines, Fountain, Whistle Bomb, Bawang, Kingkong, Bin Laden, at Trompillo
Samantala, sinabi ni SPD Officer-in-Charge P/Brig. General Mark Pespes, nakumpiska sa mga operasyon sa kanilang hurisdiksyon ang nasa ?669,827.00 halaga ng mga iligal na paputok.
Kabilang dito ang mga piraso ng Watusi; 7 rims, 55 kahon at 1560 piraso ng piccolo; 402 piraso ng Poppop; 13 packs at 33,807 piraso ng five-star; 1 pack at 546 piraso ng pla-pla; apat na piraso ng bawang; 78 whistle bomb; 34 piraso ng atomic bomb (Super Lolo); 33 sinturon ng malalaking sukat na Judas Belt; at 135 piraso ng Mother Rocket.