‘No Registration, no travel’ campaign ng LTO, raratsada na

Ito ang inihayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing binuhay mu­ling  polisiya .
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Matapos ang mahabang bakasyon nitong Pasko at Bagong Taon, sisimulan na ngayong ipatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘no registration, no travel campaign nito’  sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing binuhay mu­ling  polisiya .

Ayon kay Mendoza ang sinumang mahuhu­ling lumalabag sa polisiya ay papatawan ng kaukulang kaparusahan tulad ng P10,000 multa kapag nahuli ng mga LTO enforcers

“Starting this  week, we will be reviving our strict ‘No Registration, No Travel’ campaign across the country, so wala ng warning lang. As such,  I would like to appeal to our delinquent motor vehicle owners to find time to renew the registration of their respective motor vehicles to avoid paying hefty fines,” ayon kay Mendoza.

Nitong unang bahagi ng Disyembre 2023 sa ­ilalim ng pangangasiwa ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, inatasan ni Mendoza ang lahat ng kanilang mga Regional Directors at enforcers  na bigyan ng babala ang mga pasaway na motor vehicle owners  sa halip na isyuhan ang mga ito ng ticket sa panahon ng kapask.

Nagbabala si ­Mendoza sa pagpapatupad ng higit na agresibong kampanya laban sa mga pasaway na driver ng motor vehicles sa kabuuan ng taong 2024.

Sa tala ng LTO, sinabi ni Mendoza na nasa 24. 7 milyon ang mga pasaway na driver sa buong bansa na kumakatawan sa kabuuang 65 % ng lahat ng mga motor vehicles sa bansa .

“Our determination to have all these delinquent motor vehicles registered is primarily about safety for all road users,” giit ni Mendoza.

“Aside from strict enforcement, we are also implementing ways to make the renewal of the motor vehicle registration fast and comfortable to all our clients. This is the reason why I ordered the creation of special or fast lanes for delinquent motor vehicle registration in all our offices nationwide,” ang sabi pa ng opisyal.

Show comments