^

Metro

1.48 milyong biyahero lumapag ng Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
1.48 milyong biyahero lumapag ng Pinas
The Civil Aviation Authority of the Philippines is expecting around 2.2 million travelers in airports this month during the holiday season, up by two million from the same time last year.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Aabot sa 1.48 milyong biyaherong balikbayan at dayuhan ang lumapag ng Pilipinas ngayong buong buwan ng Disyembre, ayon sa Bureau of Immigration (BI) kahapon.

Bukod sa mga arrivals, tinatayang nasa 750,000 naman ang mga biyahero na umalis ng bansa sa naturang buwan.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nananatiling mataas ang arrivals ng mga biyahero matapos ang Pasko. Umabot umano ng 57,000 ang pinakamataas na arrivals sa isang araw na kanilang naitala.

Nakapagproseso rin ang BI ng 30,000 umaalis na biyahero kada araw makaraan ang Pasko.

Dahil dito, may projection ang BI na aakyat pa sa 40,000 ang departures o umaalis na biyahero sa bansa pagkatapos ng Bagong Taon.

“We project that the numbers will change after new year, when OFWs and former Filipinos who came home for the holidays go back to their work and residence abroad,” saad ni Tansingco.

Ipinagmalaki niya na walang malaking insidente o problema silang kinaharap sa kanilang operas­yon ngayong peak season ng mga biyahe.

NORMAN TANSINGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with