P1.5 milyong ilegal na droga, nasabat sa inabandonang mga parcel

Ang ilan sa nasabat na mga ilegal na droga sa mga inabandonang parcel sa Central Mail Ex- change (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aabot sa higit P1.5 milyong halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa apat na abandonadong parcel sa Central Mail Exchange(CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.

Unang naharang ng customs ang parcel na padala ng  isang  Abdul Jakul mula Canada na naka-consigned sa isang J. Sarmiento ng San Mateo Rizal. Idineklang sex toy tumbler ang kontrabando na nakalagay ang 116 grams na marijuana kush.

Habang ang pangalawang parcel na idineklang Cushion Repair Kit na padala ng EOS Upholstery ng South El Monte California na naka-consigned sa isang alyas T Tungpalan ng Ilocos Norte na naglalaman naman ng 225 grams ng marijuana kush at 8 Vape Cartridges liquid marijuana.

Ang pangatlong parcel na naharang ay idineklang nintendo game/playstation  na padala ng isang Cocoy Ortaleza ng San Francisco na naka-consigned sa isang alyas Landy Ortaleza ng Angeles City Pampanga. Nakasiksik dito ang 114 grams ng hinihinalang shabu.

Ang huling pakete ay idineklang merchandise na padala ni Carson Lawrence ng Fallon Missouri na ang consignee ay isang alyas Mark Truzan ng Pasay City, kung saan nakalagay ang 26 vape Cartridges liquid marijuana, 12 grams na Kush, at 32 grams na kush o high grade marijuana.

Lahat ng mga nasabat na illegal drugs na may kabuuang halaga na aabot sa P1.594,220  ay naiturn-over na ng NAIA Custom sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposition.

Show comments