MANILA, Philippines — Nagpatupad ng emergency evacuation sa kanilang mga pasahero ang Metro Rail Transit (MRT) 3 makaraang umusok ang isa nilang tren sa may Cubao Station sa Quezon City kahapon.
Sa ulat ng Department of Transportation (DOTr), naganap ang insidente dakong alas-5:44 ng umaga sa southbound ng Cubao station.
“Technical problem, with smoke observed coming from Bogie B, on Train Index 10 at Cubao Station - Southbound. Unloaded passengers,” ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino.
“All passengers (450 pax) transferred to replacement Train at Cubao Station on 5:54am,” dagdag niya.
Matapos ang walong minuto, muling nagbalik sa regular na operasyon ang MRT.
Sinabi ng MRT-3 na patuloy pa ang kanilang pagtataya sa naganap para mabatid ang naging sanhi nito.