MANILA, Philippines — Pasok ang lungsod ng Las Piñas sa talaan ng mga dinarayong lugar sa bansa, batay sa booking data ng isang sikat na online marketplace na nagkokonekta sa mga turista.
Sa talaan ng Airbnb, ang Sorsogon City sa Region 5 (Bicol), ang lumabas na top domestic destination na sinundan ng San Felipe, Zambales at ang Las Piñas City sa National Capital Region (NCR) at sinundan ng Palawan at Boracay.
Kilala ang Las Piñas sa paggawa ng parol sa sa Barangay Elias Aldana, na nasimula noong 1970s, ayon kay Mayor Imelda Aguilar.
Patuloy aniya, ang pagsusumikap ng Las Piñas City Tourism and Cultural Office sa pagpapanatili at pagtataguyod ng mayamang pamana ng kultura sa lungsod at paglalagay ng lungsod sa nangungunang mga domestic holiday destination.
Kabilang din sa dinarayo ng mga turista ang Las Piñas Nursery and Botanical Garden, sa Barangay Pamplona.
Dati na ring kilala ng lungsod sa pamosong Bamboo Organ.