No. 3 ‘most wanted’ ng Batasan Police, timbog

Himas rehas na ang akusadong si Leo Donesa, 48, at residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng  Quezon City Police District-Batasan Police Station (PS 6) na pinamumunuan ni   PLtCol Paterno Domondon Jr., ang  No. 3 Most Wanted Person sa bisa ng Warrants of Arrest sa Quezon City.

Himas rehas na ang  akusadong si Leo Donesa, 48, at  residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.

Si Donesa  ay may nakabinbing Warrant of Arrest  dahil sa kasong 2 counts ng Lascivious Conduct  na inisyu ni  Hon. Mary Ayn Tolentino Punzalan-Toribio Presiding Judge ng Branch 99, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.

Nadakip si Donesa sa  kanyang bahay  nitong Biyernes ng hapon.

“Ang buong pwersa ng QCPD ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon laban sa mga Most Wanted Persons, ani Domondon.

Sinabi naman ni QCPD Director PBrig. Gen. Redrico Maranan na  gagawin ng kanyang  mga tauhan nag  lahat upang mahuli ang mga kriminal at papanagutin sa kanilang  pagkakasala.

Show comments