^

Metro

Pokwang wagi sa deportation case vs ex-partner

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pokwang wagi sa deportation case vs ex-partner
Pokwang

MANILA, Philippines — Nagwagi ang aktres at komedyanteng si Pokwang o Marietta Subong sa tunay na buhay laban sa kaniyang dating partner na si William Lee O’Brian makaraang katigan ng Bureau of Immigration (BI) ang petisyon para ipa-deport ang huli.

Sa walong pahinang resolusyon na inilabas ng BI kamakailan, ipinag-utos ng ahensya ang deportasyon ni Lee kung saan inilagay na rin siya sa immigration blacklist at kinansela ang kaniyang “employment visa”.

Dahil dito, naglabas na rin ng Warrant of Deportation laban sa kaniya.

Sinabi sa resolusyon na nalabag ni Lee ang panuntunan ng kaniyang pananatili dahil sa aktibo niyang pagkakasangkot sa mga pelikula, programa sa telebisyon at teatro mula 2016 hanggang 2023.

Magugunitang nagsampa ng deportation case ang komedyante kay Lee noong Hunyo dahil sa mga reklamong pang-aabusong pinansyal, intimidasyon, at pag-abandona sa kanilang anak na babae na si Malia.

Nagsumbong din ito sa BI dahil sa nagagawang ma-renew ni Lee ang kaniyang tourist visa sa kabila na nagtatrabaho siya bilang isang aktor sa bansa. 

vuukle comment

ACTRESS

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with