MANILA, Philippines — Nagbabantang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo bago matapos ang taong 2023.
Ang pagtaas sa presyo ay bunga umano sa pag-atake ng rebeldeng grupo na Houthi ng Yemen sa Red Sea.
Dahil dito, inaasahang aabot sa P1.40 ang itataas sa presyo sa kada litro ng gasolina, P1.40 sa kada litro ng diesel at P1.60 hanggang P1.80 sa kada litro ng kerosene.
Matatandaang ilang beses nang inatake ng Houthi ang mga barko na dumadaan sa Red Sea.
Sinusuportahan ng Houthi ang Palestine na ngayon ay patuloy na nakikipaglaban sa Israel.