Focus crimes, bumaba ng 18% ngayong 4th quarter - PNP

Manila Police District (MPD) Station 5 conducts a checkpoint along Taft Avenue in Manila on December 8, 2023 in line with the incoming holiday season.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumaba ng 18.21% ang focus crimes na naitala mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 19 ngayong taon, kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine National Police Public Information Office, nasa 10,268 insidente ang iniulat ngayong 4th quarter na mababa  ito ng 2,286 na insidente sa 12,554 na insidenteng naitala sa parehong panahon noong 2022.

Nasa 37, 089 na insidente ng focus crimes ang naitala mula Enero 1 hanggang Disyembre 19 ng PNP  na mas mababa ng 8.2% sa 40,411 insidente na iniulat sa parehong panahon noong 2022.

Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang kanilang pagpapatrolya  gayundin ang pagpapaigting ng police visibility sa buong bansa.

Naniniwala ang PNP na  nagdadalawang isip ang mga kriminal na gumawa ng krimen kung may mga pulis na lumilibot at nakakalat sa kalsada. 

Ang 8 Focus Crime ay kinabibilangan ng theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.

Show comments