^

Metro

Holdaper nambiktima ng ex-MMA fighter sa QC, bugbog-sarado bago mahuli

James Relativo - Philstar.com
Holdaper nambiktima ng ex-MMA fighter sa QC, bugbog-sarado bago mahuli
Litrato ng bakbakan sa loob ng isang mixed martial arts cage
AFP/Romeo Gacad, File

MANILA, Philippines — Kadalasang nasa kawatan ang huling halakhak sa tuwing armado't may planong gumawa ng krimen — pero hindi sa pagkakataong ito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, ika-16 ng Disyembre nang makitang duguan at nakahandusay ang isang diumano'y holdaper sa sahig ng condominium sa Cubao, Quezon City.

Nangyari ang nabanggit pagkatapos nilang tangkaing holdapin ang isang negosyante at kanyang asawang nagbebenta ng mamahaling alak na aabot sa P190,000 halaga. Nagpanggap aniya ang mga nabanggit na katransaksyon.

"According sa victim natin at sa witness, tinutukan sila ng baril ng dalawang lalaking nakipag-transact sa kanila," ani Quezon City Polie District 7 station commander PltCol. June Abrazado.

"Itong victim nila na lalaki happens to be a former [mixed martial arts] fighter."

Sa CCTV footage, makikitang nabaril sa binti ang biktimang lalaki pero hindi nito napigilan ang former MMA fighter na makipagbuno sa isa sa mga kawatan.

Bagama't napigilan ang isa sa mga nabanggit, nakatakas ang dalawa sa mga kasabwat.

"We believe that this is a modus [operandi] kasi nakita namin 'yung mga suspek, may dalang panggapos. May fake pellet gun na may silencer," dagdag pa ni Abrazado.

"May totoong baril na ginamit talaga sa panghoholdap at merong granada na fake... May mga kutsilyo so tingin namin prepared ang mga suspek sa gagawin nila."

Dagdag pa ng imbestigasyon ng Philippine National Police, nag-apply aniya ang mga suspek ng AirBNB sa lugar gamit ang pekeng I.D. bago ang krimen.

Nagpaalala naman ang QCPD sa publiko na tiyakin ang pagkikilanlan ng mga katransaksyon lalo na kung sa internet lang nakilala, lalo na kung may mga mahal na kagamitang ibinebenta.

Nagpapagaling pa sa ngayon ang biktima matapos ang pamamaril habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa reklamong illegal possession of firearms and ammunition, robbery, frustrated murder, at grave threat.

CUBAO

HOLDUP

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with