^

Metro

Pagkamatay ni Ronaldo Valdez, binubusisi ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay ni Ronaldo Valdez, binubusisi ng QCPD
Ronaldo Valdez

Nagtamo ng tama ng baril sa sentido

MANILA, Philippines — Binubusisi ng Quezon City Police ang dahilan sa pagkamatay ng aktor na si Ronaldo Valdez na natagpuang duguan at may tama ng bala ng baril sa ulo noong Linggo ng hapon sa kanyang tirahan sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa St. Luke’s Hospital si Valdez, Ronald James Dulaca Gibbs, sa tunay na buhay, 76, ng Manga St., Barangay Mariana, New Manila, Quezon City.

Batay sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nadiskubre ang bangkay ng aktor ng driver nito na si Angelito Oclarit, dakong alas-3:20 ng hapon sa loob ng bahay nito.

Nakaupo ito sa silya habang hawak ang caliber .45 na baril.

Sa pagsisiyasat ng SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pa­ngunguna ni PCpt. Aldhrin Domingo nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang sentido ang aktor.

Agad na kinontak ni Oclarit ang anak ng aktor na si Janno Gibbs.

Nakuha sa crime scene ang caliber.45 Norinco pistol na may serial number 454697; isang fired cartridge case at empty magazine.

RONALDO VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with