Miyembro ng ‘Akyat Bahay’, patay sa shootout
MANILA, Philippines — Isang miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ ang napatay, habang arestado naman ang isa nitong kasamahan nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 13 kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead on the spot ang biktimang si Jerome Tangalan Vela, 24, habang himas rehas naman si Jomel Caparoso Tabuñar, 27 ng Brgy. Bagong Silang, Quezon City.
Sa report ni QCPD PS 13 (Payatas Bagong Silangan Police Station ) PLtCol Leonie Ann Dela Cruz kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, nagtungo ang biktima upang ireport ang panloloob at pagtangay ng kanyang bisikleta nitong Disyembre 14 ng hapon sa kanyang bahay sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.
Agad nagsagawa ng follow up operation ang QCPD Station 13 at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PMAJ Don Don Llapitan sa Payatas, Brgy. Bagong Silangan dakong alas- 11 ng gabi.
Natunton si Tabuñar sa kanyang bahay sa Brgy. Bagong Silangan kung saan nabawi rito ang bisikleta ng biktima.
Matapos ang tatlong oras, natukoy naman ang pinagtataguan ni Vela sa Agham St., Covenant Village, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City subalit agad nitong binunutan ng baril ang mga pulis kaya napilitan ang mga pulis na paputukan ito.
Nakuha naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni PCPT Aldrin Domingo ang isang Armscor 202 caliber. 38 revolver , apat na live ammunition, isang fired cartridge case, at tatlong 9mm fired cartridge case.
- Latest