Bus inspections, pinaigting ng LTO

Commuters ride the EDSA carousel busway at the Nepa Q-Mart station as traffic starts to build up along EDSA in Quezon City for the morning rush on January 24, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminals lalo na sa Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuters na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong holiday season.

Una nang inatasan ni LTO Chief Vigor Mendoza ang lahat ng Regional Directors at District Office heads  na palakasin ang pagsasagawa ng  inspeksyon sa mga  passenger utility buses  sa mga  bus terminals sa nasasakupan nilang lugar para asistihan ang mga mananakay ngayong Christmas season.

Sinabi ni Mendoza na kailangan ang round the clock na pagbusisi sa mga pampasaherong sasakyan para maiwasan ang mga aksidente sa mga lansangan ngayong Yuletide season.

Pinatitiyak din ni Mendoza sa mga regional directors na mentally at physical fit ang mga dri­ver sa pagmamaneho lalo na sa malalayong ruta.

Bahagi ng kaukulang measure ang pagsasagawa ng surprise drug test sa mga driver upang matiyak ang ligtas na paglalakbay ng mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Show comments