MANILA, Philippines — Idinaos ng SM Foundation ang pagtatapos ng 397 scholars mula sa class of 2023, kabilang ang walong summa cum laude, 55 magna cum laude, 72 cum laude at 26 academic distinction awardees na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ang pagkilala sa mga nagtapos ay nagmarka bilang isang mahalagang milestone sa academic journey ng scholars. Nagsilbi rin itong testamento sa kanilang katatagan at determinasyon para mapaunlad ang kanilang pamilya at magbigay liwanag sa landas ng mga susunod na henerasyon.
Nakiisa ang mga pamilya ng scholars, esteemed partners at SM Foundation's heads sa naganap na pagdiriwang na dinaluhan din ng Executive Director for Education Programs ng foundation na si Carmen Linda Atayde.
Binigyang-diin naman ni Atayde sa kanyang talumpati ang "transformative power" ng edukasyon.
Aniya, "Behind these impressive statistics lie stories of triumph over challenges, stories of dreams pursued against all odds. These scholars, hailing from humble backgrounds, have shown that with opportunity and hard work, one can break the intergenerational cycle of poverty."
Hindi naman nakalimutan ni Atayde na bigyang-pagkilala ang suportang ibinigay ng mga mentor, educator at ng Sy family at kung paano sila naging daan sa tagumpay na ito, hindi lamang para sa mga nagtapos kundi sa mga komunidad na kanilang nirerepresenta.
Samantala, binigyang-diin naman ng SMFI Executive Director na si Debbie Sy ang kahalagahan at pagiging instrumento ng edukasyon para mapaunlad at baguhin ang estado ng buhay ng tao na sumasalamin sa pananaw ng SM group's founder na si Tatang Henry Sy Sr.
"As we stand here today, let us remember the vision of Tatang, who believed deeply in the power of education to break the shackles of poverty,"
Pinaalalahanan din ni Sy ang SM scholars sa kanilang tungkulin bilang mga instrumento ng pagbabago sa kanilang komunidad.
"You are the living proof of the transformative power of education. The SM Foundation Scholarship Program's goal is not just academic success but to break the intergenerational cycle of poverty.”
“Now, armed with knowledge, be agents of social good in your communities. Your journey doesn't end here; it's a new beginning, and we can't wait to witness the positive impact you'll create," pagtatapos niya.
Ang SM Foundation’s Scholarship Program, na itinatag noong 1993, ay nakapagbigay na ng suporta sa humigit-kumulang 8,000 college at technical-vocational scholars, na nagbibigay ng kakayahang abutin ang kanilang mithiin sa pag-aaral at mapagbuti ang buhay ng kanilang pamilya.
Ang pagtatapos ng mga iskolar ang patunay sa dedikasyon ng SM Group sa nakalipas na apat na dekada na tulungan ang deserving students, lalo na ang mga galing sa low-income communities, na magkaroon sila ng access sa de kalidad na edukasyon upang mabigyan sila ng pagkakataong maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Editor's Note: This press release is paid for by SM Foundation.