MANILA, Philippines — Ipinatupad muli ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa National Bilibid at mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) bilang pag-iingat laban sa tumataas na bilang ng respiratory illnesses sa bansa.
Batay sa Memorandum na inilabas ni Senior Supt. Cecilia Villanueva, Acting Director ng Directorate for Health and Services ng New Bilibid Prison (NBP) Hospital na may petsang Disyembre 6, 2023, kabilang sa mga dapat sumunod sa mandatory na pagsusuot ng face mask ang mga on-duty personnel; mga bisita o dalaw ng mga bilanggo kabilang ang mga abugado; mga papasok sa BuCor buildings o kampo; o ang mga may transaksyon sa mga tanggapan ng BuCor.
Dapat din umano na nakasuot ng face mask ang PDL sa kanilang medical consultations, laboratory tests, at iba pang health services.
Ito ay sa kabila na negatibo pa naman sa COVID-19 at walking pneumonia ang kanilang komunidad.