MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit P12 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa tatlo katao, sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Datumama Musa, 35; Roncal Manalasal, 23; at Renny Pangalao 48.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ng National Capital Region-Special Operations Unit, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Sub-Station 6 ng Parañaque City Police Station, sa Barangay Moonwalk, Parañaque.
Nasamsam umano sa mga nadakip ang nasa 1,800 gramo ng shabu. Inihahanda na ang kaso laban sa mga nadakip.