2 most wanted sa kasong rape, timbog

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang akusado sa kasong rape at kabilang sa top most wanted person ang nadakip sa Barangay Sucat at Barangay Putatan, Muntinlupa City nitong Biyernes.

Unang naaresto ng Warrant and Subpoena Unit ng mga tauhan ng Taguig City Police Station si alyas Totoy, na sinasabing rank no. 2 sa Taguig City Most Wanted Person, sa pamamagitan ng warrant of arrest  dakong alas-2:46 ng hapon kamakalawa sa Purok 6, Pugad Baboy, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 69 ng Taguig City ang Criminal Case No. 7702 sa kasong rape na kinakaharap nito.

Sa ulat naman ng Muntinlupa City Police Station, nadakip naman si alyas Angelo, 22 na sinasabing No.2 most wanted person kaugnay din sa kasong rape na nakabinbin naman sa Muntinlupa City RTC, Branch 207.

Dakong alas-5:05 kamakalawa nang makorner si Angelo habang nasa basketball court sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Walang inirekomendang piyansa sa dalawang akusado sa kinakaharap nilang kaso.

Show comments