19 OFWs mula Lebanon, nakauwi na

Sixteen overseas Filipino workers, mostly caregivers, arrive from Israel at the Ninoy Aquino International Airport.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nakauwi na rin sa bansa ang 19 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon na naapektuhan sa labanan sa pagitan ng Israel at Hamas-led Palestenian militant groups.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dakong alas-7:46 ng umaga nang ligtas na lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang mga OFWs, lulan ng Qatar Airways flight QR934.

Mismong si DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang personal na umasiste sa pagdating ng mga OFWs.

Tiniyak ni Cacdac sa mga umuwing OFWs na sila ay pagkakalooban ng kinakailangang tulong at iba pang uri ng suporta ng pamahalaan.

Ang mga naturang Pinoy ay umuwi sa Pilipinas dahil sa paglala ng tensiyon sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hezbollah, na isang Lebanon-based group na nakikisimpatiya sa mga Hamas.

Anang DMW, sa kabuuan, nasa 61 OFWs na ang nakabalik sa bansa mula sa Lebanon.

Show comments