40 HS students sumabak sa ‘Battle of the Brain’

MANILA, Philippines — Lumahok sa idinaos na “Battle of the Brains” ang 40 estudyante  mula sa  20 pampubliko at pribadong paaralan sa Parañaque City  bilang pagdiriwang sa World AIDS Day, sa SM Sucat noong Biyernes.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, ang aktibidad ay inorganisa ng Social Hygiene Clinic and Wellness Center sa pa­ngunguna ni Dr. Karen Galvan bilang paggunita para ipakita ang suporta sa mga nabubuhay na may human immunodeficiency virus o HIV at para alalahanin ang mga namatay sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS-related illnesses.

Nakamit ng Multinational Sacred Heart School ang first place na may cash prize na P15,000; pumangalawa naman ang  Ann Arbor Montessori Learning Center  na tumanggap ng P10,000 cash at Pa­rañaque Science High School na nasa ikatlong pwesto ay nakakuha ng P8,000.

Show comments