Decongestion ng mga kulungan sa bansa, tuluy-tuloy - BJMP

Members of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group - Strike Force, led by Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, conduct a checkpoint to apprehend busway violators at the EDSA bus carousel lane in Mandaluyong City on November 28, 2023.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ito ang  tiniyak  ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief, Jail Director  Ruel Rivera matapos ang pagpapalaya sa 74,590 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula Enero hanggang  Oktubre ngayong taon.

Ayon kay Rivera, mahalagang tuluy-tuloy ang decongestion upang magkaroon ng  maa­yos na pagkilos sa loob ng mga  kulungan ang mga bilanggo at maiwasan ang anumang  mga riot o gulo.

Sinabi naman ni  Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos  na nakatulong ang iba’t -ibang programa ng BJMP tulad ng legal at paralegal services para matugunan ang ‘overcrowding’ sa jail facilities nito.

Mula sa kabuuang napalaya, 7,647 PDLs ang nakalabas sa pamamagitan ng bail; 10,592 ang nasentensyahan na may time allowance; 18,290  without time allowance; 6,249 ang acquitted na sa kanilang kaso habang 7,591 ang nailipat sa Bureau of Corrections (BuCor), youth detention facilities, National Center for Mental Health (NCMH), at drug reformation centers.

Sa kabilang banda, nasa 51 PDLs naman ang nakalaya dahil sa parole; 6,831 sa probation; habang may 4,677 ang permanent dismissal; 6,161 provisional dismissal; 4,840 pinalaya sa utos ng korte; 60 community service at 1,601  pinalaya sa ibang  Sistema.

Kasunod nito, hinikayat naman ni  Abalos ang BJMP na tututukan din ang full reformation ng PDLs para sa tuluy-tuloy na pagbabagong buhay ng mga ito.

Show comments