Decongestion ng mga kulungan sa bansa, tuluy-tuloy - BJMP
MANILA, Philippines — Ito ang tiniyak ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief, Jail Director Ruel Rivera matapos ang pagpapalaya sa 74,590 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ayon kay Rivera, mahalagang tuluy-tuloy ang decongestion upang magkaroon ng maayos na pagkilos sa loob ng mga kulungan ang mga bilanggo at maiwasan ang anumang mga riot o gulo.
Sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nakatulong ang iba’t -ibang programa ng BJMP tulad ng legal at paralegal services para matugunan ang ‘overcrowding’ sa jail facilities nito.
Mula sa kabuuang napalaya, 7,647 PDLs ang nakalabas sa pamamagitan ng bail; 10,592 ang nasentensyahan na may time allowance; 18,290 without time allowance; 6,249 ang acquitted na sa kanilang kaso habang 7,591 ang nailipat sa Bureau of Corrections (BuCor), youth detention facilities, National Center for Mental Health (NCMH), at drug reformation centers.
Sa kabilang banda, nasa 51 PDLs naman ang nakalaya dahil sa parole; 6,831 sa probation; habang may 4,677 ang permanent dismissal; 6,161 provisional dismissal; 4,840 pinalaya sa utos ng korte; 60 community service at 1,601 pinalaya sa ibang Sistema.
Kasunod nito, hinikayat naman ni Abalos ang BJMP na tututukan din ang full reformation ng PDLs para sa tuluy-tuloy na pagbabagong buhay ng mga ito.
- Latest