PNP-CIDG: Wala pang ‘proof of life’ sa missing beauty queen
MANILA, Philippines — Aminado ang Philippine National Police-Criminal Investigation ande Detection Group Region 4A na wala pa rin silang nakikitang ‘proof of life’ sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.
Ayon sa pulisya, patuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng ebidensiya upang matagpuan si Camilon buhay man o patay.
Maging ang mga maliliit na detalye o ebidensiya ay tinututukan ng PNP-CIDG Region 4A dahil naniniwala sila maaaring makatulong ang mga ito upang malutas ang krimen.
Samantala, sinabi ng PNP-CIDG na kailangang sumailalim sa DNA test ang pangunahing suspek at karelasyon ni Camilon na si PMajor Allan De Castro.
Kailangan na maikumpara ang mga ebidensiyang nakuha kay Camilon at kay De Castro.
Bagama’t may karapatang tumanggi si De Castro, mas makabubuti kung makikipagtulungan na lamang ito sa imbestigasyon at lumabas ang totoo.
Bukod sa hawak na ng CIDG ang opisyal na resulta ng DNA test ng magulang ni Ms Catherine, hawak na rin ng mga ito ang biological evidences na natagpuan sa abandonadong SUV.
- Latest