9-anyos, kritikal sa hataw ng raketa ng amain

Mga sugat sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng Grade 4 pupil mula sa suspek na si Reymark Del Carmen, 29 at amain ng biktima.

MANILA, Philippines — Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang 9-anyos na bata na pinaghahataw ng badminton racket ng kanyang stepfather kamakalawa ng gabi sa Brgy. Culiat,Quezon City.

Mga sugat sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng Grade 4 pupil mula sa suspek na si Reymark Del Carmen, 29 at amain ng biktima.

Ayon kay Quezon City Police District Holy Spirit Deputy Commander chief PMajor Jefry Gamboa, alas- 6 ng gabi nitong Linggo nang mapadaan sa computer shop ang suspek at nalamang naroon ang biktima. Inutusan ng suspek ang mga kalaro ng biktima na tawagin ito.

Sa paglabas ng computer shop ng biktima nakakita naman ng badminton racket ang suspek at agad na pinaghahataw ang biktima sa ulo at katawan. 

Wasak na wasak ang raketa ng badminton.

Naawat naman ng mga kapitbahay ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima.

Lumilitaw na madalas na masaktan ng suspek ang biktima tuwing nalalasing.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination.

Show comments