Hi-tech na gamit sa mga piitan, suportado ng BuCor

Sinabi ni Catapang na ang House Bill (HB) No. 9153, o ang “Contraband Detection and Control System Act,” na naglalayong mapigilan ang pagdami ng kontrabando sa mga pasilidad ng bilangguan ay nasa ikatlo at huling pagbasa na.
Bureau of Corrections / Facebook page

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang  sa panukalang batas na magbibigay-daan upang mas mabisang maipatupad ang paghihigpit sa pagpasok ng anumang kontrabando sa pambansang piitan.

Sinabi ni Catapang na ang House Bill (HB) No. 9153, o ang “Contraband Detection and Control System Act,” na naglalayong mapigilan ang pagdami ng kontrabando sa mga pasilidad ng bilangguan ay nasa ikatlo at huling pagbasa na.

“This is what we needed in the bureau. With the modern technologies like body scanner, we can do away with strip search for visitors entering the New Bilibid Prison as this can detect objects even those inside a person’s body for security screening ­purposes, without physically removing the person clothes or making any physical contact,” paliwanag ni Catapang.

Ang ‘strip search’ ay ipinatutupad din ‘randomly’ sa New Bilibid Prison (NBP) kapag may ­hinihinalang may nakatago sa katawan o sa kasuotan na hindi nakikita sa frisk search.

“Dumarami ‘yung gustong magpasok ng kontrabando sa mga dalaw ng ating persons deprived of liberty (PDL) at kung saan saang parte ng katawan nila itinatago, kaya kailangang kailangan ‘yung mga modern at high tech na gadgets at technologies para makatulong sa pagbabantay natin sa mga PDLs at sa mga personal effects na ipinapasok sa mga prison and penal farms,” ani Catapang.

Show comments