Quezon City BIDA Fun Run dinumog ng mga kabataan

MANILA, Philippines — Ikinatuwa at ikinagulat ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ang pagdagsa at paglahok ng daan-daang kabataang runner at anti-illegal drugs advocates sa Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan (BIDA) Fun Run sa Quezon City Memorial Circle kahapon ng mada­ling araw .

Ayon kay Sotto, ang dami ng mga kabataang lumahok ay indikasyon na kayang labanan ang iligal na droga.

Ang fun run ay pina­ngunahan ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council, na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte kasama si Sotto bilang co-chairman nito, sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) at ng Dangerous Drugs Board.

Dumagsa ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan at organisasyon sa QCMC kahapon ng 4:00 ng madaling araw para makiisa sa BIDA Fun Run na nagsimula ng alas-6:00 ng umaga.

Bukod kay Sotto, dumalo rin sina DDB Deputy Executive Director for Operations Assistant Secretary Maria Belen Matibay, Cerleen Sedilla ang School Division Superintendent, Dr. Dexter Galban, Assistant Secretary for Operations ng Department of Education, mga contingent mula sa Quezon City Police District at  ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Show comments