209K informal settler families mabebenipisyuhan ng ‘Pabahay’ sa Quezon City
MANILA, Philippines — Sisikapin ng Quezon City government na mabigyan ng ‘Pabahay’ ang may 209,000 informal settler pamilya sa lungsod.
Sinabi ni Atty. Jojo Conejero, Asst Department Head ng Housing Community Development ang Resettlement Department ng QC hall na hangarin ni Mayor Joy Belmonte na bigyan ng sapat na ‘Pabahay’ ang lahat ng pamilya ng infomal settlers sa lungsod na kasama sa pangunahing agenda ng alkalde.
Sinabi ni Atty. Conejero na bukod sa mga informal.settler families ay bukas din ang Programang Pabahay ng QC LGU sa lahat ng taga-QC tulad ng mga empleyado basta’t wala pang property sa lungsod.
“Ang mga qualified na makapag apply ng ‘Pabahay’ sa QC ay dapat na walang property sa QC certified by the City assesor at may certificate sa barangay na siya ay wala pang sariling bahay sa QC,” sabi ni Conejero.
Anya ang mga ‘Pabahay project’ ng QC LGU ay naipatutupad sa tulong ng mga partner agencies tulad ng Pag Ibig NHA at DHSUD.
- Latest