MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng kanilang regional offices sa buong bansa ang mahigpit na pagpapatupad sa ‘No Registration, No Travel Policy’ laban sa lahat ng uri ng mga sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza batay sa pagbusisi sa rekord ng ahensiya, may 65 percent ng mga sasakyan tumatakbo sa mga lansangan sa bansa ay hindi pa nairerehistro kung saan dahil dito ay P37 bilyon ang nawawala sa ahensiya dahil sa mga delinguent vehicles o unregistered vehicles.
Batay pa sa datos ng LTO, may 24.7 milyong sasakyan mula sa kabuuang 38.3 milyong behikulo sa bansa ang itinuturing na delinquent motor vehicle .
Habang mayroon lamang na 13.3 milyon o 35 percent ng mga sasakyan sa bansa ang nakarehistro.
Binigyang diin ni Mendoza na lubhang nakakaalarma ang naturang data .
“This is alarming data since based on their assessments, delinquent motor vehicles either have problems passing roadworthiness inspections that include emission testing, and do not have insurance coverage. In other words, these motor vehicles are threats to road safety. We have to be very strict in implementing the laws on land transportation not only to make it fair to the law-abiding motor vehicle owners but also for the welfare of the road users,” dagdag ni Mendoza.