^

Metro

‘No Registration, No Travel Policy’, paiigtingin ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘No Registration, No Travel Policy’, paiigtingin ng LTO
Photo shows the exterior of the Land Transportation Office facility in Metro Manila.
Land Transportation Office-Philippines on Facebook

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng kanilang regional offices sa buong bansa ang mahigpit na pagpapatupad sa ‘No Registration, No Travel Policy’ laban sa  lahat ng uri ng mga sasakyan.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza batay sa pagbusisi sa rekord ng ahensiya, may 65 percent ng mga sasakyan tumatakbo sa mga lansangan sa bansa ay hindi pa nairerehistro kung saan dahil dito ay P37 bilyon ang nawawala sa ahensiya dahil  sa mga delinguent vehicles o unregistered vehicles.

Batay pa sa datos ng LTO, may 24.7 milyong sasakyan mula sa kabuuang 38.3 milyong behikulo sa bansa ang itinuturing na  delinquent motor vehicle .

Habang mayroon lamang  na 13.3 milyon o  35 percent ng mga sasakyan sa bansa ang nakarehistro.

Binigyang diin ni Mendoza na lubhang nakakaalarma ang naturang data .

“This is alarming data since based on their assessments, delinquent motor vehicles either have problems pas­sing roadworthiness inspections that include emission testing, and do not have insurance coverage. In other words, these motor vehicles are threats to road safety. We have to be very strict in implementing the laws on land transportation not only to make it fair to the law-abiding motor vehicle owners but also for the welfare of the road ­users,” dagdag ni Mendoza.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with