^

Metro

Hairstylist minartilyo, sinaksak ng minolestiyang binatilyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hairstylist ang minartilyo sa ulo at pinagsasaksak ng kutsilyo ng isang 16-anyos na binatilyo na umano’y  minolestiya ng una kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kasalukuyang naka-confine sa Quezon City General Hospital ang biktimang si  Ricky Jimenez, 68, ng Brgy.  Apolonio Samson, ­Quezon City habang nasa kustodiya na  ng Quezon City Police District-La Loma Police  Station ang  suspek na menor-de-edad na residente ng Brgy. Damayang Lagi.

Napag-alaman sa imbestigayon na PMSg Harold Jake Dela Rosa ng  QCPD La Loma Police Station na  nangyari ang insidente alas-10 ng gabi nitong Miyerkules sa bahay ng biktima.

Bago ito, inimbita ng biktima ang suspek sa kanyang tahanan upang maghapunan at magtalik kapalit ng P1,000.

Matapos kumain ang dalawa  sinabihan ng biktima ang  suspek na maligo na  sinunod naman ng huli. Laking gulat ng suspek na sa kanyang paglabas sa banyo ay makitang hubo’t hubad ang biktima.

Pinaupo siya ng suspek sa kama at sinimulang gawan ng  kahalayan. Tumanggi ang suspek sa  pinaggagawa ng biktima na humantong sa kanilang pagtatalo.

Dahil dito, kinuha ng  binatilyo ang martilyo at dalawang beses na pinukpok sa ulo ang  biktima. Hindi pa nakuntento, kumuha pa ito ng kutsilyo at sinaksak sa biktima.

Narinig naman ng  kapitbahay ang komos­yon kaya agad na humingi ng res­ponde sa Barangay Apolonio Samson.

Agad na isinugod sa QCGH ang biktima habang napigilan naman ng baranggay ang papatakas na suspek.

Natagpuan ng pulisya sa crime scene ang kutsilyo at martilyo na ginamit ng suspek.

vuukle comment

PMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with