NCRPO na ‘Wow Mali’ sa scammer
MANILA, Philippines — Mistulang na “wow mali” ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nang i-post nito sa kanilang Facebook page ang cellphone number ng isang retiradong opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na sinasabing scammer at naglabas ng babala sa solicitation.
Sa panayam kay Retired Col. Rodel Marcelo, ikinagulat niya ang babala ng NCRPO sa mga solicitation para sa basketball uniform gamit ang kanyang GCash number.
Ayon kay Marcelo, tila ‘nakuryente’ ang NCRPO dahil hindi man lang muna nagsagawa ng case build up at beripikasyon bago ibinandera ang kanyang cellphone number sa NCRPO FB Page.
Bago ito, sinabi ni Marcelo na nakatanggap siya ng message ng solicitation umano ni NCRPO chief Jose Melencio Nartatez, Jr.
Pinaberipika niya ang solicitation at hindi inakala na ang kanyang cellphone number ang tinutukoy na ng NCRPO na scammer.
Agad siyang nagtungo sa anti-cybercrime unit ng QCPD upang i-report ang insidente.
Dahil sa sunud-sunod na tawag ng mga dating tropa sa QCPD, boluntaryong nagtungo si Marcelo sa R2 para linisin ang kanyang pangalan. Ipinalaam din ni Marcelo sa R2 na may suspek na ang QCPD sa tunay na scammer.
Sa follow up operation ng QCPD, nadakip ang suspek na si Darell John Green, na isang Nigerian.
Nahaharap ito sa kasong identity theft at staff sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Tinanggal na ng NCRPO sa kanilang FB page ang public advisory matapos ‘makuryente’.
- Latest