MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ng Martes ang mga kompanya ng langis ay magpapatupad ng malaking tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Shell, Seaoil, CleanFuel at PetroGazz magpapatupad sila ng bawas 70 sentimos sa kada litro ng gasolina, habang P2.30 per liter ang bawas sa presyo ng kerosene at P3.00 per liter na bawas sa presyo ng diesel .
Alas-12 ng madaling araw ipapatupad ang rollback habang ang ibang oil companies ay alas-6 ng umaga ngayong Martes paiiralin ang tapyas presyo.
Ang galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price adjustment.
Noong nagdaang linggo ay nagpatupad din ng tapyas presyo sa petrolyo ang mga kompanya ng langis.