^

Metro

4 na mag-iina, hinostage ng sekyu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 na mag-iina, hinostage ng sekyu
Nakilala ang mga nasagip na sina Jenelyn Abogatal, 31, ng  Block 1, Dubai, Brgy. 649 Baseco Compound, Tondo; at mga anak niyang sina Aljun, 5; Sopia, 2 at Elgin, 1-taong gulang.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na mag-iinang hinostage ng isang lalaki na dayo sa kanilang lugar sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasagip na sina Jenelyn Abogatal, 31, ng  Block 1, Dubai, Brgy. 649 Baseco Compound, Tondo; at mga anak niyang sina Aljun, 5; Sopia, 2 at Elgin, 1-taong gulang.

Nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Anti-Child Abuse Law, slight illegal detention at illegal possession of deadly weapon ang naarestong suspek na si Justine Sagun, 33,  security guard, ng  Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Sa ulat ng Baseco Police Station 13, dakong alas-10:45 ng umaga nang maganap ang pangho-hostage sa loob ng bahay ng mga biktima sa Baseco Compound.

Ayon sa pulisya, bisita sa lugar ang suspek at nakipag-inuman sa ilang kakilala nang bigla na lamang pinasok nito ang bahay ng mga biktima at hinostage ang mag-iina habang dini-demand sa mga pulis na kausapin siya ng kaniyang kapatid.

Sa gitna ng negosas­yon, nakakuha ng ti­yempo ang mga pulis na nagawang mahablot ang mga biktima palayo sa suspek.

Dito na siya tuluyang inaresto at pinosasan ng mga pulis. Nakum­piska sa kaniya ang isang kutsilyo na may habang 10 pulgada na ginamit sa pangho-hostage.

BASECO

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with