^

Metro

Lalaking inagawan ng cellphone, hinablot susi ng motor ng mga suspek

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lalaking inagawan ng cellphone, hinablot susi ng motor ng mga suspek
The incident was publicized by Las Piñas police chief Col. Jaime Santos in a Facebook Live hours after the incident happened on 7 a.m. along Alabang Zapote road that day.
Screenshots from Hayme Santoast / Facebook

MANILA, Philippines — Dahil sa panonood ng Tiktok, isang lalaki ang nagawang agawin ang susi ng motorsiklo ng tandem na nang-agaw ng kanyang cellphone sa Las Piñas City, kamakalawa. 

Isinuko kinalaunan ng biktima na nagpatago ng pagkakakilanlan ang Click type motorcyle sa Las Piñas City police station. Natunton ng pulisya ang tunay na may-ari ng motor na nagsabing hiniram ito ng suspek na nakilalang si Joel Plandano, ng Bacoor, Cavite.

Nakunan ng CCTV ang pangyayari kung saan nakaistambay lamang ang biktima nang lapitan ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo na nag-alok sa kanya ng babae na kanyang tinanggihan.  

Hanggang sa hablutin ng mga ito ang cellphone ng biktima. Sinundan naman ng biktima ang mga suspect at bago makatakas lulan ng motorsiklo ay nagawang mahablot ng biktima ang susi ng motorsiklo sabay nagawang makatakbo palayo.

Wala namang nagawa ang mga suspek kung hindi iwanan ang motorsiklo na minaneho ng biktima sa presinto.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya para madakip ang suspek na si Plandano habang kinikilala pa ang kaniyang kasamahan.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with